Taong 1980’s unang inalagaan ang red tilapia sa Pilipinas. Bukod sa pagkamapula, mataas na kalidad, presyo, matatag sa sakit ay masarap din ang laman nito. Karaniwang luto nito ay pasingaw o sweet and sour na inihahain sa mga first class hotels at restaurants.
PAGPILI NG LUGAR
Angkop na lugar ng palaisdaan:
- Madaling mapuntahan, malapit sa palengke at mga daanan.
- Luwad (clay loam) ang magandang uri ng lupa na may kakayahang mag-ipon ng tubig.
- May sapat na suplay ng tubig sa buong taon tulad ng irigasyon, dam, poso at imbakan (reservoir).
- Ligtas sa baha at tahimik ang lugar.
Kalidad ng Semilya
- Malusog
- Mabilis lumaki
- Magandang lahi
PAMAMAHALA
A. Paghahanda ng Palaisdaan
- Pagpapa-iga
- Paglilinis – alisin ang mga naiwang inalagaang isda at mga predators.
- Paghuhugas – ang maayos na pag-agos ng mga naiwan na nakalalasong kemikal.
- Pagpapatuyo – makatutulong ito upang sumingaw ang mga nakalalasong gas.
- Pagpapantay – alisin ang sobrang putik at mga dumi upang makasigurong nasaid ang tubig at maging madali ang pagpukot sa pagaani.
- Ikondisyon ang lupa at tubig – maglagay ng apog (kung kinakailangan) 100g/m2 o 1,000 kg/ha.
- Panatilihing 6.5 – 9.0 ang pH value ng lupa.
- Lagyan ng screen ang pasukan at labasan ng tubig upang mapigilan ang pagpasok ng mga mapanirang species at maiwasan ang paglabas ng isda.
- Dagdagan ng tubig ang palaisdaan hanggang isa o dalawang metro ang lalim.
B. Pagkukundisyon at Paghuhulog ng Semilya
- Ibabad ang plastik bag na may semilya ng 10 – 30 minuto sa tubig bago pakawalan sa palaisdaan.
- Maghulog ng lima hanggang pitong piraso ng semilya (size #14-12) bawat metro kuwadrado.
K. Pagpapakain
Ibatay ang dami ng pakain ayon sa kabuuang timbang:
- Unang buwan – 8%
- Ikalawang buwan – 5%
- Ikatlo hanggang ika-apat na buwan – 3%
D. Pagsa-sampling
- Humuli ng 10 pirasong isda.
- Sukatin at timbangin ang bawat isda.
- Kunin ang kabuuang timbang at hatiin sa 10 bahagi upang makuha ang average weight.
- Gawin ito bago ihulog ang semilya at kada buwan.
- Sundin ang talaan ng pagpapakain sa titik K.
E. Pagpapanatili ng kalidad ng tubig
- Dissolved oxygen – 5 to 9 mg/L
- pH – 6.5 to 9.0
- Temperature – 25 to 300C
- Total hardness – > 20 mg/L as CaCO3
- Carbon dioxide – < 70 mg/L
- Ammonia – < 0.02 to 0.5 mg/L
G. Pag-aani
- Anihin ang tilapia pagkalipas ng apat hanggang limang buwan sa pamamagitan ng pagpukot at pagpapa-iga ng palaisdaan.
- Timbangin ang lahat ng inaning isda.
H. Pagtatala
- Araw ng paghuhulog ng semilya
- Gastos
- Dami ng ipinakain
- Kalidad ng tubig
- Dami ng inani at kita
Para sa dagdag kaalaman, makipag-ugnayan sa:
BFAR Region 4A – RFRDC
Freshwater Fisheries Research Station
Bambang, Los Baños, Laguna
Tel: (049) 827-3612
Fax: (049) 536-8206
Source and Photo: region4a.bfar.da.gov.ph